BARANGAY NUTRITION COMMITTEE (BNC) ORIENTATION AND FORMULATION OF BARANGAY NUTRITION ACTION PLAN (BNAP)

SEPTEMBER 19, 2022

Sa atas ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ay kasalukuyang isinasagawa ang two-day orientation at formulation kaugnay ng Barangay Nutrition Committee (BNC) at Barangay Nutirition Action Plan (BNAP).
Ang gawaing ito ay dinaluhan nila Ms. Carina Z. Santiago, Nutrition Program Coordinator NNC - CALABARZON, Ms. Ma. Jhonnadelle Ritz H. Castillo, Development Management Officer II - PNFP Quezon, Ms. Kristine Nicole Estrella, Nutritionist Dietititan II -PDOHO Quezon, Punong Barangay, Brgy Health Chairperson at ilang Barangay Nutrition Scholar (BNS). Ang aktibidad na ito ay naglalayon na makapagbuo ng isang komprehensibong plano patungkol sa mga programa at mga aktibidad na patuloy na magsusulong ng tamang nutrisyon para sa ating mga kababayan lalo't higit sa mga kabataang Infantahin.

Ang Barangay Nutrition Action Plan (BNAP) ay maglalaman ng mga programa, proyekto, aktibidad, istratehiya at kaakibat na badyet na makatutugon sa mga usapin at suliraning pangkalusugan at nutrisyon kagaya ng labis na pagbaba ng timbang, kakulangan sa nutrisyon at sobrang timbang sa mga bata sa bawat barangay pati na rin sa iba pang bulnerableng indibidwal kagaya ng mga buntis, may edad, at iba pa.

Lubos ang paniniwala ng Lokal na Pamahalaan na sa pamamagitan ng mga malilinaw at komprehensibong pagpaplano ay maisakakatuparan ang mga magagandang layunin kaugnay ng pagpapanatili ng kalusugan ng ating mga mamamayan sapagkat isa sa susi sa patuloy na pagunlad ng ating bayan ang pagkakaroon ng MALUSOG na mga Infantahin.
#MabuhayKaInfanta
#ForGReAterInfanta
#LGUinAction

Tags: