INFANTA CONVENTION CENTER NAKATAKDANG IPAGAWA

Isinagawa noong ika-22 ng Abril 2018 ang Groundbreaking Ceremony para sa ipapagawang Infanta Convention Center sa Brgy. Comon bayan ng Infanta na pinangunahan ni Kgg. Danilo E. Suarez, kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Lalawigan ng Quezon.

Isa ang proyektong ito sa mga prayoridad na maipatupad na binigyan ng pondong nagkakahalaga ng P80 milyong piso sa pamumuno ni Punong Lalawigan David C. Suarez katuwang ang Sangguniang Panlalawigan ng Quezon. Pinangunahan ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ng bayan ng Infanta ang partido na dumalo sa programa kasama ang Sangguniang Bayan, Sangguniang Barangay ng Brgy. Comon sa pangunguna ni Punong Barangay Eligeo R. Delos Reyes, at ang 35 pang mga Punong Barangay. Kabilang din sa mga dumalo sina Bokal Claro “Jerry” M. Talaga, Jr, isa sa Pangalawang Punong Lalawigan ng Unang Distrito ng Quezon, mga kinatawan ng Punong Lalawigan, Punong Bayan Bing D. Aquino at Halig Punong Bayan Joel A. Diestro ng bayan ng Real, Punong Bayan Eliseo A. Ruzol ng bayan ng Gen. Nakar, Punong bayan Fernando Q. Llamas ng bayan ng Mauban at Pangulo ng Liga ng mga Punong Bayan sa Quezon, Punong Bayan Amado P. Peñamora at Halig Punong Bayan Alfred Rigor S. Mitra ng bayan ng Panukulan. Inaasahan na ang maipapatayong establisiyemento ay magiging sentro ng iba’t-ibang aktibidad tulad ng mga seminar, convention, training, conference, at pagdarausan din ng mga programang pang-aliwan, pampalakasan, at paglinang ng sining at kultura hindi lamang ng bayan ng Infanta at mga karatig bayan nito, kundi pati na rin ng buong Hilagang Quezon.