Pulong kaugnay ng resulta ng assessment para sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC), ginanap!

Mayo 17, 2023

Pinadaloy ni B. Melanie Virrey-MSWDO ang pulong kaugnay ng naging resulta ng assessment para Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ngayong araw sa harap ng ating Punong Bayan Filipina Grace R. America.

Tinalakay dito ang mga paksa na kailangang pagtuunan ng pansin upang mas lalo pang mapataas ang marka ng ating Lokal na Pamahalaan pag dating sa mga proyekto at programa para sa mga kabataang Infantahin. Minungkahi ni B. Virrey na magbigay ng mga sertipiko o pagkilala sa mga barangay na nagkaroon ng mataas na marka upang mahikayat ang lahat na magkaroon ng pagkakaisa at mapalakas ang ating programang pang kabataan.

Dumalo sa pulong na ito ang ilang mga pinuno at kawani ng ating Lokal na Pamahalaan at ilang mga konsernadong miyembro mula sa sektor ng edukasyon, pangkalusugan at pang kapayapaan.

Bago matapos ang pulong ay nagbilin ang ating butihing Punong Bayan na mas pagbutihin pa ang performance ng bawat opisina dahil nilalayon ng ating lokal na pamahalaan na mapabilang tayo sa mga LGU na magkakamit ng parangal bilang isa sa mga outstanding performing LGUs pagdating sa usapin ng local governance.

#MabuhayKaInfanta
#ForGReAterInfanta
#LGUInfantainAction

Tags: