Pulong ng Local Project Monitoring Committee (LPMC)

Mayo 17, 2023

Ngayong araw ay naganap ang pag pupulong ng Local Project Monitoring Committee (LPMC) upang talakayin ang mga on-going at upcoming na proyektong pang imprastraktura sa ating bayan. Napagusapan din dito ang mga kalsadang kailangan pang ayusin o pagandahin. Nag schedule din ng inspection ang mga miyembro upang mas lalong makita at malaman ang magiging priority projects ng Lokal na Pamahalaan.

Pinadaloy ni G. Brylle Borreo-Planning Officer I ang talakayan at pinamunuan ni PPLB Nilo Laviña. dumalo rin dito si Kon. Marlon Potes, Engr. Susan America-MPDO, G. Romulo Orozco-Muncipal Budget Officer, Engr. Zernick Monarquia-Engineer I mula sa Tanggapan ng Pambayang Inhinyero at ilang mga presidente ng samahan at organisasyon sa ating bayan at mga Punong Barangay.

Sa huli, bumista ang mga miyembro ng LPMC sa Brgy. Ilog upang inspeksyunin ang ginagawang mga dike o gabyon na isa sa mga priority projects ng Lokal na Pamahalaan.

Lubos ng pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa mga miyembro ng LPMC upang mas madami pa ang mga proyekto na mas higit na pangagailangan ng ating mga kababayan.

Tags: