GOOD NEWS, INFANTA!

Oct 07, 2026 03:10 PM 92

Mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na ang pasilidad ng ating Municipal Slaughterhouse!

Nagagamit na muli mula nitong Lunes ang Municipal Slaughterhouse ng ating bayan matapos ang isinagawang kabuuang pagsasaayos at rehabilitasyon nito.

Sa kabuuang pondong ₱1,029,242.34, naisakatuparan ang Concreting ng Flooring, Repair at Rehabilitation ng Bubong, Tiling ng mga Pader, Pagpipinta ng Flooring, Concreting ng Driveway at Pagpapalit ng Dalawang (2) Kawa.

Ayon kay Mr. Angelo Mardenio M. Burgo-Slaughterhouse Master II, mahalaga ang ambag ng ating Slaughterhouse dahil umaabot sa halos 1,000 ulo ng karne ang kinakatay dito buwan-buwan mula sa Infanta at mga karatig-bayan. Bukod sa pagtiyak ng malinis at ligtas na karne para sa bawat pamilyang Infantahin, nagpapasok din ito ng tinatayang ₱171,968.00 na kita kada buwan para sa ating bayan.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pamumuno ni Mayor LA Ruanto upang mas palakasin ang ating Economic Enterprise at maghatid ng mas maayos na serbisyo para sa lahat!

Popular News

Walang Pasok Weather and Natural Disasters
Walang Pasok

Sep 16, 2024 08:31 PM

Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.

Read More
5-Day Standard First Aid and Basic Life Support Training-Course Compeltion Local News
5-Day Standard First Aid and Basic Life Support Training-Course Compeltion

Jul 01, 2024 05:00 PM

Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…

Read More
Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting Local News
Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting

Jun 28, 2024 10:01 PM

Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…

Read More

More News

GOOD NEWS, INFANTA!
GOOD NEWS, INFANTA!

Oct 07, 2026 03:10 PM

PAGPAPALAWAK NG KAMALAYAN SA GENDER-BASED VIOLENCE, PATULOY NA PINAPALAKAS SA BAYAN NG INFANTA!
PAGPAPALAWAK NG KAMALAYAN SA GENDER-BASED VIOLENCE, PATULOY NA PINAPALAKAS SA BAYAN NG INFANTA!

Oct 07, 2026 12:13 PM

MODERNISASYON AT PAGPAPALAKI NG DINAHICAN PORT, AARANGKADA NA!
MODERNISASYON AT PAGPAPALAKI NG DINAHICAN PORT, AARANGKADA NA!

Oct 07, 2026 12:12 PM

PAANYAYA!
PAANYAYA!

Oct 06, 2026 04:00 PM

OKTUBRE, BUWAN NG MGA KOOPERATIBA
OKTUBRE, BUWAN NG MGA KOOPERATIBA

Oct 06, 2026 01:00 PM