Feb 26, 2026 06:00 PM 86
DRY RUN NG ECO-RESIKLO PROGRAM, ISINAGAWA SA TONGOHIN ELEMENTARY SCHOOL
Matagumpay na isinagawa ang Eco-Resiklo Dry Run at Information Education Campaign sa Tongohin Elementary School, na nilahukan ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 5.
Pinangunahan ito ni Gng. Maris D. Delara, MGDH I ng MENRO, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Infanta Eco-Savers Program (Eco-Resiklo), isang inisyatibo ni Mayor LA Ruanto.
Layunin ng programa na mahikayat ang mga kabataan na maging responsable sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng tamang paghihiwalay at pagkolekta ng mga recyclable na basura mula sa kanilang mga tahanan. Ang mga nakolektang basura ay dinadala sa paaralan tuwing itinakdang “Eco-Days,” kung saan ito ay naitatala sa kanilang Eco-Savers Passbook. Ang katumbas na puntos ay maaaring ipalit sa groceries o school supplies.
Ang gawaing ito ay isang maagap na hakbang sa pagdisiplina at paghubog sa kabataan sa murang edad—isang mahalagang ambag tungo sa mas malinis, mas maayos, at mas luntiang Bayan ng Infanta.
Infantahin, kaya natin!
Feb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM