Feb 27, 2026 10:29 AM 85
Comprehensive Household Information System (CHIS) Cluster Training, tagumpay!
Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang dalawang araw na Comprehensive Household Information System (CHIS) Cluster Training na nilahukan ng mga kinatawan mula sa mga barangay ng Pilaway, Batican, Agos-Agos, Banugao, Ingas, Boboin, Silangan, at Tudturan.
Naging katuwang sa aktibidad ang iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan, kasama ang mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars na magsisilbing enumerators sa komunidad. Layunin ng pagsasanay na higit pang paigtingin ang kanilang kakayahan sa tamang pangangalap, pagsusuri, at pamamahala ng datos gamit ang CHIS application upang mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, lalo na sa panahon ng sakuna at emerhensiya.
Buong suporta naman ang ibinibigay ng ating mahal na Punong Bayan, Mayor Lord Arnel L. Ruanto, sa programang ito bilang bahagi ng patuloy na modernisasyon at pagpapahusay ng serbisyong publiko para sa bawat Infantahin.
Isang hakbang pasulong tungo sa mas maagap, episyente, at maaasahang paglilingkod!
Infantahin, kaya natin!
Feb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM