Infanta: Ligtas ang Undas 2025 Route Plan and Traffic Scheme

Upang masiguro ang ligtas, maayos at mapayapang paggunita ng Undas 2025, inilatag ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta ang Route Plan at Traffic Scheme sa paligid ng ating mga sementeryo at kabayanan.

Drop-Off Areas
Ang mga lugar kung saan maaaring ibaba ang mga pasahero
Place Google Map
Entrada ng Magpahinga Street. View
Kantuhan ng 20 de Julio St. at NIA Road. View
Likurang Entrada ng Pampublikong Sementeryo. View
Main Gate ng Our Lady of Peace Memorial Park. View
Main Gate ng St. Mark Memorial Park. View
Sa may bilaran ng palay ng Yalung Rice Mill papalabas ng Miswa Court View
Paalala
Bawal pumasok ang mga sasakyan sa loob ng sementeryo, maliban kung may sakay na senior citizen, PWD, o buntis
Free Parking Areas
Ang mga lugar kung saan maaaring iparada ang mga sasakyan
Place Google Map
Diversion Road – Brgy. Silangan at Brgy. Miswa View
Infanta Central Elementary School – Brgy. Poblacion 39 View
Miswa Covered Court – Brgy. Miswa View
Free Tricyle Ride Areas
Ang mga lugar kung saan maaaring sumakay ang mga senior citizens, PWD, at buntis ng libre
Place Google Map
Entrada ng Magpahinga Street. View
Kantuhan ng 20 de Julio at NIA Road. View
Likurang Entrada ng Pampublikong Sementeryo View
Tent Locations
Ang mga lugar kung saan matatagpuan ang help desk at information center
Place Google Map
Bonifacio St., Brgy. Miswa – kantuhan papuntang Prayer Garden View
Gate 2 (likurang bahagi) ng St. Mark Memorial Park View
General Luna St. corner NIA Road, Brgy. Ingas View
Loob ng Our Lady of Peace Memorial Park View
Magpahinga St. Extension, malapit sa ChildFund at Reina Federation, Brgy. Miswa. View
Main Gate ng St. Mark Memorial Park View
NIA Road corner 20 de Julio St., Brgy. Poblacion 39 View
Note: Bawat tent ay may Public Assistance Desk, Rescue Team, at First Aid Kit para sa agarang tulong at seguridad.
Incident Command Post (ICP) / PNP Tent
Ang ICP ay magsisilbing sentro ng koordinasyon at tugon sa anumang insidente. Dito nakatalaga ang mga PNP personnel, traffic enforcers, MDRRMO responders, at mga volunteers upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko
Place Google Map
20 de Julio Street corner Magpahinga Street, Brgy. Miswa View
One-Way Roads
Ipatutupad ang One-Way Traffic Scheme sa mga sumusunod na kalsada
Road Google Map
20 de Julio St. – mula kantuhan ng Gen. Luna St. hanggang NIA Road. View
Gen. Luna St. – mula kantuhan ng 20 de Julio St. hanggang Velasco St. (Tibay). View
Mga kalsada ng Plaridel, Rizal, Bonifacio, Gomez, Ibayan, Paterno, Arellano, Don Diego, Zamora, at Burgos ay ipatutupad din bilang one-way sa itinakdang direksyon. View
Miswa Road – mula Bonifacio St. patungong likuran ng Public Cemetery, St. Mark Memorial Park, at Our Lady of Peace Memorial Park. View
Miswa Road – mula Diversion Road patungong Our Lady of Peace Memorial Park at palabas ng Bonifacio St. View
Miswa Road – mula Public Cemetery palabas ng Bonifacio St. (malapit sa gasolinahan). View
NIA Road – mula kantuhan ng 20 de Julio St. hanggang Gen. Luna Extension, Brgy. Ingas. View
Two-Way Roads
Mananatiling two-way traffic sa mga sumusunod na kalsada:
Road
20 de Julio St. mula kantuhan ng NIA Road patungong Brgy. Silangan
Bonifacio St. mula kantuhan ng 20 de Julio St. patungong Miswa–Lual Road
Diversion Road
Famy–Real–Infanta Road hanggang 20 de Julio St. (kantuhan ng Gen. Luna St.)
Gen. Luna St. mula kantuhan ng Velasco St. patungong Dinahican
Mabini St. mula kantuhan ng 20 de Julio St. hanggang V. Ruanto St.
Mga kalsada ng Velasco, Mabini, Niebres, at V. Ruanto ay bukas din sa two-way traffic.
Waste Disposal Reminder
Ang Infanta Municipal Cemetery ay naglagay ng mga trash can sa paligid ng sementeryo. Hinihikayat ang lahat na itapon ang basura sa tamang lalagyan upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran

Unique Visitors: 792