Jan 12, 2026 03:30 PM 124
BAGONG ROAD ROLLER O PISON, MAKAKATULONG SA MGA PAGAWAIN-BAYAN
Pinangunahan ni Punong Bayan Lord Arnel L. Ruanto ang inspeksyon ng bagong Road Roller o Pison na pinondohan ng lokal na pamahalaan upang magamit sa iba’t ibang pagawain-bayan, partikular sa pagsasaayos at pagkukumpuni ng mga kalsada.
Ang nasabing kagamitan ay isa sa limang (5) heavy equipment na binili upang higit na mapalakas ang kapasidad at kakayahan ng Municipal Engineering Office (MEO) sa mga konstruksyon at proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.
Sa pagpasok pa lamang ng administrasyon ni Mayor Lord Arnel L. Ruanto, agad niyang binigyang-pansin ang matagal nang kakulangan ng kagamitan ng pambayang inhinyero. Sa pamamagitan ng wasto at maingat na paggastos ng pondo ng bayan, patuloy na nadaragdagan ang mga kagamitan ng lokal na pamahalaan.
Asahan na ngayong 2026, higit na mararamdaman at makikita ng taumbayan ang mga pagawain at proyektong pang-kaayusan at kaunlaran ng Bayan ng Infanta.
Feb 12, 2026 06:00 PM
Feb 12, 2026 08:30 AM
Feb 10, 2026 03:00 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 12, 2026 06:00 PM
Feb 12, 2026 04:00 PM
Feb 12, 2026 08:30 AM
Feb 11, 2026 04:00 PM
Feb 10, 2026 03:00 PM