Feb 04, 2026 11:00 AM 48
May Bagong Manlift Truck na ang Infanta
Dumating na ang bagong manlift truck ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura at pagpapanatili ng kaayusan sa bayan.
Narito ang mga detalye ng proyekto:
Approved Budget for the Contract (ABC): P3,600,000.00
Winning Bidder: Autokid Subic Trading Corporation
Winning Bid Amount: P3,188,000.00
Savings: P412,000.00
Dahil sa repormang isinulong ni Mayor Lord Arnel L. Ruanto na Open Public Bidding, isinagawa ang bidding sa pamamagitan ng livestream upang masiguro ang transparency ng mga transaksiyon. Sa ganitong sistema, mas maraming bidders ang nagkakaroon ng pagkakataong lumahok, na nagreresulta sa mas malaking pagtitipid para sa lokal na pamahalaan.
Ang bagong manlift truck ay inaasahang malaking tulong sa mas mabilis, ligtas, at episyenteng pagsasagawa ng mga gawain at serbisyo para sa mamamayan ng Infanta.
Infantahin, Kaya Natin!
Feb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM