Feb 04, 2026 05:30 PM 149
Bagong Ambulansya ng Infanta, ipinagkaloob ng DOH
Tinanggap na ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta, sa pamumuno ni Mayor Lord Arnel L. Ruanto, ang bagong Patient Transport Vehicle na ipinagkaloob ng Department of Health (DOH) at magagamit nang libre ng mga mamamayan ng bayan.
Matatandaang noong maupo bilang Punong Bayan noong 2025, agad na nakipagpulong si Mayor Ruanto kay DOH Secretary Ted Herbosa upang talakayin ang mga programang pangkalusugan. Sa naturang pagpupulong, ipinangako ang pagkakaloob ng bagong ambulansya para sa Infanta.
Makalipas ang ilang buwan, pormal nang tinanggap ang nasabing sasakyan sa pagbisita ng mga opisyal ng pamahalaan, kasama sina Vice Mayor Mannie A. America, Konsehal Maxiel Rodrigo A. Mortiz Jr., Konsehal Timothy John G. Juntereal, Konsehal Mario Louie N. Cuento, Konsehal Ronald C. Yu, Konsehal Sherwin E. Avellano, at si Dr. Mary Louise Motas ng Rural Health Unit.
Ang pagkakaloob ng bagong ambulansya ay patunay ng patuloy na pagpapalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa mga serbisyong pangkalusugan, lalo na sa pagbibigay ng agarang at libreng serbisyong ambulansya para sa mamamayan.
Infantahin, Kaya Natin!
Feb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM