Feb 07, 2026 05:00 PM 117
Sining sa Bawat Tasa: Pintahan sa Kape sa 8th PALABAS Arts Festival
Malikhaing naisagawa ang Pintahan sa Kapehan (Coffee Painting Session) bilang bahagi ng 8th PALABAS (Palakasin ang Bayan sa Sining) Arts Festival, kaugnay ng lokal na pagdiriwang ng National Arts Month 2026 na may temang “Ani ng Sining, Katotohanan at Giting.”
Kabuuang apatnapu’t dalawang (42) local artists ang aktibong nakilahok sa nasabing gawain na ginanap sa Mood Cafe & Lounge. Pinatunayan ng aktibidad na maaaring pagsamahin ang pagkamalikhain at pagmamahal sa kape bilang midyum ng sining.
Pinangunahan ang programa ng Infanta, Quezon Culture, Heritage, Arts and Tourism Sections sa pamumuno ni Ms. Sierra Cecilia A. Peñamante, Tourism Operations Officer II at Designated Culture and Arts Officer, na patuloy na nagsusulong ng sining at kultura sa ating bayan. Kinikilala rin si Sir Wilmer A. Encina sa kanyang mahalagang kontribusyon bilang tagapagpadaloy ng Pintahan sa Kapehan. Ang kanyang kaalaman, paggabay, at dedikasyon ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng aktibidad.
Isang taos-pusong pasasalamat mula sa ating mahal na Punong Bayan, Hon. Lord Arnel L. Ruanto, ang ipinaaabot sa lahat ng kabataang artist at tagasuporta na nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programang ito.
Patuloy nating palakasin ang sining bilang tinig ng ating kultura, identidad, at pagkakaisa.
Infantahin, Kaya Natin!
Feb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM