Feb 25, 2026 02:50 PM 111
Pagsasanay sa Wastong Kalinisan at Proper Handwashing, Idinaos!
Isinagawa ngayong araw ang Family Development Session: Module on Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) in Early Childhood Care and Development (ECCD) na pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) sa pamumuno ni Gng. Melanie G. Virrey, RSW, Immediate Supervisor at Department Head.
Nagbigay ng mensahe ang resource speaker na si Maria Eloisa R. Penamante, LPT, at pinagtibay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng healthy habits mula pagkabata.
Layunin ng programang ito na:
Tukuyin ang mga mahahalagang oras o pagkakataon kung kailan dapat maghugas ng kamay ang mga bata at magulang.
Maunawaan ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay at mukha, lalo na para sa mga bata.
Ipakita ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay.
Maunawaan at pahalagahan ang iba’t ibang epektibong paraan ng pagtuturo ng tamang paghuhugas ng kamay sa mga bata.
Ang aktibidad ay nakatuon sa pagpapalakas ng kalusugan at kalinisan ng mga bata sa pamamagitan ng malinis na katawan, ligtas na inuming tubig, malinis at ligtas na pagkain, at pagpapaunlad ng mga tamang gawi sa kalinisan na nagdudulot ng mas malusog na pamumuhay.
Simulan natin sa tahanan. Isabuhay ang malusog na gawi para sa mas malakas at mas malusog na komunidad.
Infantahin, kaya natin!
Feb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM