Teacher ko si Nanay Glory Ungriano sa Tongohin Elementary School
Isang ina ang naging guro sa harap ng kaniyang anak at mga kaklase nito upang itampok ang kuwentong “Ang Sorpresa ni Nanang.” Tunay na nakapaghatid siya ng aral, saya, at sigla sa mga bata. Siyempre, proud at masayang-masaya rin ang kaniyang anak sa natatanging pagkakataong ito.
Ang aktibong pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon ay bahagi ng Teacher Ko, Nanay Ko at Tatay Ko Program, isang inisyatibo ng ating Punong Bayan, Mayor Lord Arnel L. Ruanto.
Maraming salamat sa ating Nanay Teacher na si Gng. Glory Ungriano, kay Class Adviser Rosalyn Ungriano (Teacher I), at kay Punong Guro Mona De Guzman (Principal I) ng Tongohin Elementary School sa matagumpay na implementasyon ng programang ito.
Patuloy tayong makiisa sa mga programang naglalayong itaas ang antas ng edukasyon sa ating bayan.
Infantahin, kaya natin!



